Gayunman, ayon sa weather bureau, maliit ang tyansa na maging ganap itong bagyo at hindi rin tatami sa kalupaan ng bansa.
Sa pinakahuling pagtaya ng Pagasa, namataan ang LPA sa layong 1,465 kilometro sa Silangan ng Mindanao.
Bagaman nasa labas PAR ay makakaapekto ang trough o extension nito sa Silangang bahagi ng Mindanao partikular sa Caraga at Davao region.
Mararanasan ang makulimlikm na kalangitan na may pagkulog at pagkidlat na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa natitirang bahagi naman ng bansa, patuloy na iiral ang Easterlies na magdadala ng maalinsangang panahon na may posibilidad ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.