Sports makatutulong upang makaiwas ang mga kabataan sa bisyo — Pang. Duterte

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 11:00 PM

Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2018 sa Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur, ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Palarong Pambansa ay magsisilbing training ground para sa mga kabataang susi sa hinaharap ng bansa.

Ayon sa pangulo, nahuhubog ang mga values and principles kagaya ng tiyaga, disiplina, integridad, team work at pagmamahal sa bansa dahil sa pagsali ng mga kabataang atleta sa Palaro.

Sinabi rin ng pangulo na nagsisilbing diversion para sa mga kabataan ang sports kaya naman nakakaiwas sila sa mga bisyo kagaya ng paggamit ng iligal na droga, paggawa ng krimen, at iba pang mga ipinagbabawal.

“We, in government, continue our campaign to eradicate social ills to ensure a safe and progressive tomorrow for you and for the next generation,” ayon pa sa pangulo.

Nangako pa si Pangulong Duterte na magpapatuloy ang kanyang administrasyon sa pagsuporta sa mga atletang Pilipino na lumalaban hindi lamang sa loob ng bansa, ngunit maging sa ibayong dagat.

Aniya pa, maituturing nang mga kampeon ang mga kabataan dahil nagpursige ang mga ito sa kanilang piniling sport.

Huling paalala ng pangulo, dapat ay hindi kalimutan ng mga kabataang atleta ang pag-aaral.

Magaganap ang Palarong Pambansa sa lalawigan ng Ilocos Sur hanggang sa April 21.

TAGS: 2018 palarong pambansa, Ilocos Sur, Rodrigo Duterte, youth athletes, 2018 palarong pambansa, Ilocos Sur, Rodrigo Duterte, youth athletes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.