Magkapatid patay sa pananaksak ng sariling ama sa Taguig City

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 10:11 PM

Nauwi sa pananaksak ng kanyang sariling mga anak ang pagtatalo ng isang lalaki at kanyang asawa sa Barangay Lower Bicutan sa lungsod ng Taguig.

Kwento ng mga kapitbahay ng suspek, narinig nila ang pag-aaway sa telepono ng lalaki at ng kanyang asawa ng nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW).

Makalipas ang pagtatalo ng dalawa ay napagbalingan ng galit ng ama ang kanyang 6 at 13 taong gulang na mga anak at pinagsasaksak ang mga ito.

Kaya naman agad na itinawag ng mga residente sa pulis ang insidente.

Sa pagrespunde ng mga otoridad ay tinangka pang manlaban ng suspek, dahilan naman upang barilin ito ng mga pulis na nagresulta sa kanyang kamatayan.

TAGS: Barangay Lower Bicutan, stabbing incident, Taguig City, Barangay Lower Bicutan, stabbing incident, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.