Senate Dengvaxia report pagbabatayan ng pangulo sa pagdedesisyon tungkol sa isyu

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 09:10 PM

Tiniyak ng Malacañang na pagbabatayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inilabas na report ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa kanilang imbestigasyon sa Dengvaxia controversy para sa kanyang gagawing aksyon tungkol sa isyu.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hihintayin rin ng pangulo ang resulta ng Dengvaxia investigation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Matatandaang simula ng pumutok ang nasabing kontrobersiya ay hindi nagkomento ang pangulo tungkol dito at inutusan ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon upang malaman kung sino ba ang mayroong criminal liability sa pagkakaturok ng bakuna sa halos 830,000 katao na karamihan ay mga kabataan.

Nakasaad sa report ng Senado sa pangunguna ni Senador Richard Gordon na minadali ang pagbili sa P3.5 bilyong halaga ng Dengvaxia vaccine sa ilalim ng Aquino administration.

Nakalagay din sa report na nagkaroon ng pagsasabwatan sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin, at dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad para mabili ang nasabing anti-dengue vaccine.

TAGS: Dengvaxia Vaccine, Rodrigo Duterte, senate blue ribbon committee, Dengvaxia Vaccine, Rodrigo Duterte, senate blue ribbon committee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.