FEU tinalo ang NU sa UAAP women’s volleyball

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 08:18 PM

Napalapit pa ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa kanilang twice-to-beat goal sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

Ito ay matapos nilang talunin ang National University Lady Bulldogs sa iskor na 25-21, 25-22, 16-25, at 25-20.

Sa ngayon ay 10-4 na ang win-loss record ng Lady Tamaraws, habang 7-7 naman ang Lady Bulldogs.

Ayon kay FEU coach George Pascua bagaman naging close match ang tapatan ng dalawang koponan ay tamang-tama lamang itong momentum para naman sa kanilang pagpasok sa Final Four ng torneo.

Pinangunahan ni Bernadette Pons ang Lady Tamaraws matapos niyang magbigay ng 17 puntos. Para naman sa Lady Bulldogs, si Jaja Santiago ang nakapatala ng game high score na 21 points.

Samantala, hihintayin pa muna ng FEU ang kalalabas ng tapatan ng La Salle at Ateneo para sa kanilang minimithing twice-to-beat goal.

TAGS: Far Eastern University, National University, UAAP Season 80 women's volleyball, Far Eastern University, National University, UAAP Season 80 women's volleyball

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.