Kinumpirma ni Marawi Bishop Edwin dela Peña na idi-demolish na ang St. Mary’s Cathedral na nasira dahil sa giyera sa Marawi City dulot ng panggugulo ng teroristang Maute group.
Ayon kay Bishop dela Peña, wala na kasing pag-asa na maitayong muli ang cathedral dulot ng matinding pinsala na tinamo dahil sa bakbakan.
Ang St. Mary’s Cathedral ay nasa sentro mismo ng Ground Zero ng giyera na umabot ng mahigit apat na buwan.
Ayon kay Bishop dela Peña, ang mga debris o ang mga natirang piraso ng cathedral ang gagamitin sa pagpapatayo ng isang simpleng simbahan na lamang.
Idinagdag pa ni Bishop dela Peña na isasagawa lamang ang pagtatayo muli ng simbahan kapag natapos na ang gobyerno sa rehabilitasyon sa lungsod at sa mga masjids.
Nabatid na nasa 84 na taon na ang cathedral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.