Commemorative stamps para sa Palarong Pambansa inilunsad ng Philippine Postal Corporation

By Chona Yu April 15, 2018 - 06:55 PM

Nagpalabas ang Philippine Postal Corporation ng commemorative stamps para sa Palarong Pambansa na ginaganap ngayon sa Vigan, Ilocos Sur.

Ayon kay Postmaster General Joel Otarra, naka-focus ang mga commemorative stamps sa walong sports. Ito ay ang boxing, volleyball, archery, soccer, gymnastics, basketball, cycling, at badminton.

Ayon kay Otarra, nagpasya ang Philippine Postal Office na gumawa ng commemorative stamps para maramdaman ng mga atleta ang excitement at aksyon sa Palarong Pambansa.

Sa ganitong paraan din aniya ay mabibigyan ng inspirasyon ang mga kabataang atleta na magpusige sa iba’t ibang sports.

Nagkakahalaga ang mga commemorative stamps ng P17 lamang.

Limitado at mabibili lamang ang mga commemorative stamps sa mga central post office at post offices sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang Palarong Pambansa ay ang taunang aktibidad na nilalahukan ng mga kabataang atleta mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas.

TAGS: 2018 palarong pambansa, commemorative stamp, Philpost, 2018 palarong pambansa, commemorative stamp, Philpost

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.