Ginang, arestado sa pagnanakaw ng panty sa isang mall

By Ricky Brozas April 15, 2018 - 12:25 PM

Inquirer file photo

Dinala ng security guard ng SM Mart Incorporated sa himpilan ng Malate Police Station(PS-9) ang isang ginang matapos umanong magnakaw ng SO-EN na panty.

Kinilala ang suspek na nangharbat ng naturang underwear brand na nagkakahalaga ng mahigit P300 ay si Eirren Eleperia y Lavaries, 34 anyos, residente ng 2062 Smith Street, Malate Manila.

Batay sa imbestigasyon ni Police Chief Inspector Wilson Villaruel na habang nasa Children Section ang suspek na si Eleperia sa ikatlong palapag ng SM Department Store ay kumuha ito ng isang piraso ng SO-EN underwear at inipit sa kanyang kili-kili.

Lingid sa kaalaman ni Eleperia ay minamanmanan na pala siya ng civilian security guard na si Reymar Pavia na siyang humuli sa suspek.

Kasong theft sa pamamagitan ng shoplifting ang kahaharapin ng suspek sa Manila Prosecutors office.

TAGS: MPD, panty, SM Mart Incorporated, MPD, panty, SM Mart Incorporated

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.