Dalawang pulis-QC, sinibak sa pwesto matapos matakasan ng isang suspek

By Cyrille Cupino April 15, 2018 - 11:12 AM

Inquirer file photo

Ni-relieve sa pwesto ang dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD) matapos makatakas ang isang drug suspect na kanilang ine-escort.

Ayon kay QCPD Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang mga pulis na sinibak sa pwesto ay sina PO1 Jayson Landayan at PO1 Randy Yape na parehong nakatalaga sa anti-illegal drugs enforcement unit ng Novaliches Police Station.

Ang dalawang pulis ang nagbabantay sa drug suspect na si Jhan Jhan Abacian, 21 anyos, na tumakas matapos ang inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon.

Ayon kay Eleazar, ibabalik na sana sa police station ang suspek nang matanggal nito ang kanyang posas, at tumalon palabas ng police mobile.

Tumakbo si Abacian papuntang Sauyo Market at nagkaroon pa ng habulan, pero bigo ang dalawang pulis na mahuli ang nakatakas na suspek.

Ayon kay Eleazar, mahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo ang dalawang bagitong pulis.

Dagdag pa ni Eleazar, dapat maging aral na ang nangyari sa mga miyembro ng PNP na huwag maging kampante, at maging alerto kapag nag-eescort ng mga suspek.

TAGS: QCPD, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.