CBCP, nagbigay-payo kay CPNP Bato bago umupo bilang BuCor director
Pinayuhan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) si outgoing Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang magiging bagong tungkulin bilang Bureau of Corrections (BuCor) director.
Ayon kay Rodoldo Diamante, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, dapat magsaliksik at pag-aralan munang mabuti ni Dela Rosa ang mga problema pago mag-mungkahi ng solusyon.
Matatandaang sinabi ni Dela Rosa na ipagpapatuloy nito ang kaniyang laban kontra sa ilegal na droga oras na maupo sa kaniyang bagong tungkulin.
Sinabi rin nito na ipapanumpa niya ang mga drug lord sa bibliya na itigil ang mga ilegal na aktibidad.
Giit ni Diamante, hindi lang ilegal na droga ang kakaharaping problema ni Dela Rosa sa naturang piitan.
Dapat aniyang alamin ang tunay na sitwasyon sa piitan at kumonsulta sa mga penology expert.
Nakatakdang magretiro si Dela Rosa sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.