Bilang ng mga itatakdang alternatibong ruta ng mga biyahe ng PAL, madadagdagan pa
Madadagdagan pa ang bilang ng mga flights ng Philippine Airlines (PAL) na magkakaroon ng alternatibong ruta bunsod ng pagbaba ng demand patungong Boracay Island.
Ayon kay Jaime Bautista, PAL president at chief operations officer, malaki ang epekto sa merkado ng ipinatupad na pagsasara ng naturang isla.
Magbebenepisyo aniya sa mga itatakdang alternatibong ruta ang Visayas, Mindanao at Palawan.
Maliban dito, mas bibigyang-prayoridad din aniya ang mga ruta patungong Davao, Cebu at Clark.
Dagdag pa nito, layon din ng pagpapatupad ng mga alternatibong ruta na kumbinsihin ang mga pasahero na mag-explore ng iba pang tourist destinations sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.