Ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim niya ang isla ng Boracay sa land reform.
Ayon kay Castriciones, marami sa mga nasabing lupang sakahan ay nasa mga lalawigan ng Isabela, Quezon, at Leyte, at mga rehiyon ng Bicol at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Aniya, target ng DAR na maipamahagi kada taon ang 50,000 ektaryang lupa. Ngunit mayroong mga factors na nagreresulta sa backlog ng pamamahagi ng lupa.
Samantala, nilinaw naman ni Castriciones na mayroon ilang bahagi ng isla ng Boracay na na-identify bilang agricultural at forest area.
At ang mga nasabing agricultural lands ay maaaring ipamahagi sa mga magsasaka at kanilang gawing pagkukuhanan ng kabuhayan.