Residente ng isang isla sa Vanuatu pinalilikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkan

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 06:40 AM

AFP PHOTO

Pitong buwan matapos ang unang pagputok ng Manaro Voui volcano sa Vanuatu ay muli na naman itong naging aktibo at nagpakita ng senyales ng pag-aalburoto.

Kaya naman pinalilikas na ang mga residente ng Ambae island na nasa ilalim na ng state of emergency.

Ayon sa Vanuatu Meteorological and Geo-Hazards Department, nasa level three eruption na ang Manaro Voui volcano.

Sa isang panayam, sinabi ni Ministry of Climate Change director Jesse Benjamin na mas maayos na ngayon ang kanilang evacuation procedure kung ikukumpara noong nakaraang taon, kung saan tila minadali ito.

Aniya, ngayon ay inuuna nilang ilikas ang mga residente mula sa mga komunidad na ‘severely affected’ at ihuhuli ang mga nasa ‘less affected zones.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.