Presyo ng oil products, tataas sa susunod na linggo

Matapos ipatupad ng oil companies ang maliit na rollback, ay muling magkakaroon ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Inaasahang maglalaro sa P0.60 hanggang P.070 kada litro ang magiging pagtaas sa presyo ng diesel.

Habang nasa P0.30 hanggang P0.40 naman ang imamahal ng presyo ng gasolina.

Maglalaro naman sa P.80 hanggang P0.90 ang dagdag presyo sa kerosene o gaas.

Ang oil price adjustments ay kadalasang nagaganap tuwing araw ng Martes.

Read more...