14 na miyembro ng notoryus na drug group sa Mandaluyong natimbog

By Rhommel Balasbas April 15, 2018 - 05:20 AM

Photo courtesy of Mandaluyong Police

Pitumpung poryento nang napilayan ng mga awtoridad sa Mandaluyong ang isang notoryus na drug syndicate group matapos mahuli ang 14 na miyembro nito.

Ayon kay Mandaluyong Police Chief Supt. Moises Villaceran, ang 14 na miyembro ng Junnel Adriano drug group ay naaresto sa serye ng buy bust operations na isinagawa sa siyudad sa nakalipas na linggo.

Ani Villaceran, pinakahuling naaresto ang isang Manuel Tumawas ng Barangay Addition Hills noong Huwebes at sinasabing kanang kamay ng grupo.

Kabilang din si Tumawas sa drug watch list ng barangay bilang isang drug pusher at user.

Nakumpiska kay Tumawas ang 17 sachet ng shabu, may bigat na 106 grams at nagkakahalaga ng P531,000.

Ang 13 iba pa ay naaresto naman sa magkakahiwalay na operasyon sa Addition Hills, Barangay San Jose at Barangka-Ibaba.

Umamin naman ang mga naarestong suspek na ang kanilang pinagkukunan ng shabu ay si Junnel Adriano.

Nagpapasalamat si Villaceran sa tagumpay ng operasyon dahil na rin sa kooperasyon ng mga opisyal ng baranggay at ng mga residente.

Patuloy na pinaghahanap si Adriano ng mga awtoridad.

Naaresto na sa kasong pagnanakaw ang suspek noong June 12, 2017 ngunit nakapagpiyansa.

May nakabinbing na kaso ito ng pagnanakaw at pagtutulak ng droga at kabilang sa Top 10 most wanted criminals sa Mandaluyong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.