Baguio City susunod na isasailalim sa rehabilitasyon ayon sa DOT
Sinabi ng Department of Tourism (DOT) na posibleng isunod ang Baguio City na pamosong tourist destination sa bansa na isasailalim sa rehabilitasyon.
Ayon kay DOT Secretary Wanda Teo, batay sa kanilang assessment ay mayroong na ring sira sa kalikasan ang Baguio City.
Dagdag pa ni Teo, sa ngayon ay tinitingnan ng kagawaran ang lahat ng mga tourist destination sa bansa, at hindi lamang mga beach resort, para sa posibilidad na isailalim ito sa rehabilitasyon.
Sa huling datos, aabot sa 500,000 na mga turista ang bumibisita sa Baguio City sa tuwing bakasyon. Dahil na rin sa dami ng mga sasakyan na umaakyat sa Baguio ay lumalabas na isa ang lungsod sa may most polluted air sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.