Upang mabawasan ang kalat sa Subic Bay ay inilunsad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang programang “Heaviest Butt Campaign” na nasa ilalim naman ng kanilang “War on Waste Advocacy.”
Sa ilalim ng naturang programa, bibilhin ng SBMA Ecology Center ang mga upos na sigarilyo sa halagang P300 kada kilo.
Layunin ng SBMA Ecology Center na sabay na malinis ang Subic Bay mula sa kalat at makakolekta ng 20 hanggang 60 kilo ng upos na sigarilyo para sa isang pag-aaral.
Pag-aaralaan ng naturang organisasyon kung maaari bang tanggalin amoy at toxicity ng mga upos na sigarilyo para magamit pang-recycle.
Titingnan rin ng Ecology Center kung pwede bang magamit sa paggawa ng hollow blocks ang mga upos na sigarilyo.
Ayon sa pinuno ng SBMA Ecology Center na si Ameth dela Llana, lumabas sa mga pag-aaral na aabot sa 4.5 trilyong mga upos na sigarilyo ang naitatapon sa buong mundo kada taon.
At dahil sa amoy at toxins ng sigarilyo ay hindi mai-recycle ang mga ito, bukod pa sa halos 12 taon bago tuluyang ma-decompose o matunaw sa lupa ang mga sigarilyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.