Tubig sa Boracay umaayos na ayon kay Sec. Roy Cimatu

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 05:00 AM

Unti-unti nang naisasaayos ang isla ng Boracay, partikular ang katubigan sa paligid nito.

Sa isang talumpati para sa 9th Philippine League of Local Environment and  Natural Resources Officers (PLLENRO) convention sa Davao City ay sinabi ni  Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy  Cimatu na malaki na ang improvement sa kalidad ng tubig sa isla ng Boracay.

Aniya, nasa 2,400 units na ngayon ang volume ng pollutant sa tubig, bagaman  ang safe level ay nasa 400.

Dagdag pa ni Cimatu, inaalam nila ang mga establisyimento na gumawa ng sarili  nilang sewage system kung saan pinadadaan ang mga pipes sa ilalim ng lupa at  direktang konektado sa tubig ng Boracay. Ito aniya ang pangunahing dahilan  kung bakit marumi ang tubig sa isla.

Ayon pa sa kalihim, hangga’t hindi pa bumabalik sa safe level o standard level  ang kalidad ng tubig sa isla ng Boracay ay hindi pa niya masasabi na tapos na  ang rehabilitasyon dito ng pamahalaan.

Sinabi rin ni Cimatu na kailangan ng DENR ang tulong ng mga local government  units (LGUs) upang matutukan ang kalinisan ng kapaligiran. Katulad na lamang  aniya sa Boracay na dapat ay katuwang nila ang lokal na pamahalaan ng Malay  upang maisaayos muli ang isla at mamonitor ang mga galaw ng mga  establisyimento dito.

Aniya pa, dapat ang mga LGU ang unang nagpapatupad ng mga environmental  laws sa kanilang mga nasasakupan.

Samantala, sinabi pa ni Cimatu na mayroon na ring banta ng maruming  kapaligiran at tubig sa iba pang mga tourist spots sa bansa kagaya ng Panglao  Island sa Bohol, Puerto Galera sa Oriental Mindoro, at El Nido at Coron sa  Palawan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.