7.5 milyon na mga turista target ng DOT para sa bansa ngayong taon

By Rohanisa Abbas April 14, 2018 - 07:29 PM

Radyo Inquirer

Nananatili sa 7.5 milyong tourist arrivals ang target ng Department of Tourism na maitala ngayong taon.

Ipinahayag ito ni DOT Secretary Wanda Teo sa kabila ng pansamantalang pagsara sa Boracay.

Sinabi ni Teo na hindi dapat isipin na ang temporary closure sa sa isla ay nangangahulugang babagsak na ang Turismo sa bansa.

Iginiit ng kalihim na marami pang maaaring ialok ang DOT.

Ayon kay Teo, mula sa Boracay ay nagpa-rebook ang ilang turista sa iba pang tourist destinations gaya ng Bohol, Cebu at Palawan.

Mayroon din naman aniyang nagpa-rebook sa Boracay sa panahong tapos na ang anim na buwang rehabilitasyon sa isla.

Sinabi rin ni Teo na sisilipin nila ang posibilidad na maging isa sa mga venue ng susunod na Miss Universe Pagenat ang Boracay.

TAGS: boracay, cebu, Department of Tourism, Palawan, Wanda Teo, boracay, cebu, Department of Tourism, Palawan, Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.