4 na pulis na sangkot sa hulidap arestado sa Maynila

By Rohanisa Abbas April 14, 2018 - 07:06 PM

Arestado ang apat na pulis na nagikil umano sa isang Egyptian national sa Maynila.

Nauna dito ay inaresto ng apat na pulis ang isang Egyptian dahil sa umano’y iligal na droga.

Humingi umano ng P200,000 ang mga pulis sa Egyptian national hanggang sa naibaba ito sa P25,000 matapos ang negosasyon.

Dito na inireklamo sina SPO3 Ranny Litonjoa Dionisio, PO3 Richard Osorio Bernal , PO1 Elequiel Jeric Fernandez at PO1 Arjay Lastricia Lasap.

Inaresto ng Counter Intelligence Task Force at National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na pulis sa isang entrapment operation sa bahagi ng Quirino Avenue.

Ayon kay  Supt. Eufronio Obong, walang spot report ang pag-aresto ng nasabing mga pulis-Maynila sa Egyptian national.

Nasa kustodiya ng NBI ang apat na suspek na mahaharap sa mga kaso.

TAGS: CITF, Extortion, manila, MPD, NBI, PNP, CITF, Extortion, manila, MPD, NBI, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.