LTFRB nagdeklara ng giyera laban sa Arcade City

By Rohanisa Abbas April 14, 2018 - 04:44 PM

Maglulunsad ng nationwide crackdown ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa ride-sharing application na Arcade City kapag ipinagpatuloy nito ang operasyon nang walang accreditation sa Lunes.

Kinastigo ng LTFRB ang Arcade City na patuloy na lumalabag sa cease-and-desist order.

Ipinahayag ni LTFRB board member Aileen Lizada na tila isinusulong pa ng Arcade City ang operasyon ng transport network companies nang hindi nagpapa-accredit sa gobyerno.

Ikinatwiran kasi sa Arcade City, hindi na kinakailangan ng drivers na kumuha ng prangkisa sa gobyerno para bumyahe.

Babala ni Lizada, magsisilbing undercover ang mismong law enforcers na gagamit ng Arcade City.

Ngayong linggo, naglabas ng cease-and-desist order sa ikalawang pagkakataon ang LTFRB laban sa Arcade City.

Gayunman, sinabi ng kumpanya na hindi naiintindihan ng ahensya ang kanilang business model.

Paliwanag ng Arcade City, hindi ito nagbibigay ng “pre-arranged transportation services for compensation” kaya hindi ito pasok sa depinisyon ng transport network company ng LTFRB.

Batay sa kanilang website, binabayaran nito ang drivers at riders sa pamamagitan ng blockchain-based cryptocurrency na “arcade tokens.”

Maaari itong ibenta o gamitin para sa serbisyo at bonus sa Arcade.

Tinawag naman ni Lizada na pang-iinsulto ito sa batas.

TAGS: arcade city, lizada, ltfrb, TNVS, arcade city, lizada, ltfrb, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.