Mga 3rd termer baranggay officials binalaan ng DILG sa pagtakbo sa halalan

Inquirer file photo

Nakaalerto ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (Comelec) sa mga opisyal ng baranggay na tatakbo sa ikatlong termino sa darating na halalan.

Ayon kay DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año, base sa local government code ay walang local na opisyal ang papayagang makapagsilbi mahigit sa tatlong termino sa iisang posisyon.

Babala ni Año sa mga nagbabalak na tumakbo sa parehong pwesto, huwag ng tumuloy o kaya naman ay tumakbo na lamang sa ibang posisyon.

Base sa isinumiteng datos ng 17 DILG Regional Offices na kinalap ng National Barangay Operations Office (NBOO), may 8,927 punong barangay at 51,273 na sangguniang barangay members o kagawad ang nasa ikatlong termino na nila ngayon.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng ahensya sa COMELEC upang hindi mapalusot ang mga opisyal na nanumgkulan na ng sapat at naayos sa batas.

Ang paghahain ng certificates of candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay magsisimula ngayong Abril 14 hanggang 20, 2018.

Ang election period ay mula Abril 14 hanggang Mayo 21.

Read more...