5 Biff members nahuli ng militar sa Maguindanao

By Mark Makalalad April 14, 2018 - 03:44 PM

Inquirer file photo

Nalambat ng mga otoridad ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa operasyon na ginawa ng mga tauhan ng Philippine Army at Special Action Force sa Bayan ng Paglat, Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. Harold M. Cabunoc, Commanding Officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion ng Philippine Army, target ng kanilang operasyon ang grupo ni Sindatok Dilna o mas kilala sa tawag na Motolite nang salakayin nila ang pinagkukutaan nitong lugar ng matiyempuhan ang limang suspek.

Naging katuwang din nila sa operasyon ang 1st Mechanized Infantry Batallion, Charlie Company ng 7th field artillery battalion, at 4th Special Action Batallion ng Philippine Army.

Ayon kay Cabunoc, hindi naman daw nanlaban ang mga BIFF members at kusa rin na sumama sa mga otoridad.

Narekober sa lima ang tatlong mga armas kabilang na ang isang Caliber 5.56mm, AR 18 Armalite Rifle at dalawang 1911 A1 Cal. 45 pistol.

Base sa impormasyon ng militar,  nabatid na sa mga liblib na bahagi kasi ng Mindanao ang kuta ng mga terorista at iba pang armadong grupo na may balak manggulo sa lugar.

Naalerto rin daw kasi sila sa posibleng pagpasok ng ISIS-inspired Jihadist na target na humalo sa local population para hindi makilala ng mga tauhan ng pamahalaan.

Pagtitiyak naman ni Cabunoc, doble-kayod ngayon ang militar sa pagpapatupad ng seguridad at nakikipag ugnayan din sila sa publiko at lokal na pamahalaan para makakalap ng impormasyon sa mga masasamang loob.

TAGS: AFP, BIFF, cabunoc, maguindanao, motolite, Philippine Army, AFP, BIFF, cabunoc, maguindanao, motolite, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.