Pulis na nakasakay sa motorsiklo patay sa aksidente

Patay ang isang pulis matapos masagasaan sa Col. Boni Serrano Avenue malapit sa 3rd Avenue Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City.

Nakilala ang pulis na si PO3 Nasrudin Banto at nakatalaga sa Police Security Protection Group sa Camp Crame.

Base sa impormasyon na ipinadala ng Quezon City Police District sa Camp Crame, pasado alas-6:25 ng umaga ng maganap ang aksidente habang nakasakay sa motorsiko ang pulis at papunta sana ng 3rd avenue.

Sa Southbound na bahagi ng daan nakasalubong nito ang isang sasakyan kung saan nabunggo ang kaliwang bahagi ng kanyang motor.

Sa lakas ng impact, nabasag ang windshield ng sasakyan at nagtamo ng seryosong injury ang biktima.

Nakilala naman ang driver ng nakabanggang sasakyan na si Jacquiline Yu, 35 taong gulang.

Nagawa pang isugod sa PNP General Hospital ang biktima pero agad din itong binawian ng buhay.

Posibleng maharap kasong reckless impridence resulting to homicide ang suspek.

Read more...