Mga Pinoy sa Syria ligtas sa naganap na air strike ayon sa DFA
Pinag-iingat ng gobyerno ng Pilipinas ang 1,000 Filipino sa Syria sa gitna ng airstrikes ng United States, France, at United Kingdom sa chemical weapons facilities ng gobyerno ng Syria.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato, wala pang Pilipinong nagpapatulong sa Philippine Embassy sa Damascus at iba pang bahagi ng Syria.
Inabisuhan ang mga Pinoy na manatili sa loob ng bahay at iwasang bumyahe kung hindi kinakailangan at maging maingat.
Ayon kay Cato, ligtas naman ang lahat ng tauhan ng Philippine Embassy sa Damascus.
Patuloy naman na kinokontak ang mga Pilipino sa Syria para malaman ang kanilang kalagayan.
Madaling araw kanina sa Syria nang ilunsad ng US-led forces ang pag-atake kaugnay sa pinakahuling chemical attack na ginawa ni Syrian dictator Bashar al-Assad sa kanyang mga kababayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.