Simula April 26 ay mahigpit na ipatutupad ang ID System sa isla ng Boracay.
Kasabay ito ng pagsasara ng isla para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.
Paalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG), off-limits sa mga turista ang buong Boracay at pawang mga residente lamang ang papayagang makapasok sa lugar.
Nag-isyu din ng identification card ang DILG para sa mga residente na kailangan nilang ipakita kapag papasok sa isla.
Pero paglilinaw ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, maaaring gumamit ng government ID na may address sa lugar.
Papayagan naman ang mga turista na naka-book sa mga hotel doon ilang araw bago ang April 26.
Hindi rin papayagan na makapasok sa isla ang mga bisita maliban na lamang kung may emergency.