Karagatan ng Cebu at Bohol kontaminado ng dumi ng tao ayon sa DENR

By Jimmy Tamayo April 14, 2018 - 10:11 AM

Inquirer file photo

Apektado na rin ng mataas na antas ng fecal coliform ang ilang mga karagatan sa Visayas.

Ito ang lumabas sa pagsusuri ng Environmental Management Bureau (EMB) sa Central Visayas.

Tinukoy ng EMB ang mga karagatan sa Mactan Island sa Cebu at ang Panglao Island sa Bohol.

Ayon kay William Cuñado, Director ng EMB-Central Visayas, lumalabas sa pag-aaral na umaabot sa 150 hanggang 200 most probable number (MPN) ang fecal coliform sa Panglao habang nasa 180 hanggang 250 MPN sa Mactan.

Ang nasabing antas ay higit pa sa “acceptable concentration na 100 MPN per 100 milliliters na kinokonsiderang safe o ligtas para sa mga nais maligo o mag-swimming.

Iginiit ni Cuñado na ang kontaminasyon ay maaaring sanhi ng kapabayaan at hindi pagtupad sa “wastewater treatment” at “sewage disposal system” ng mga resorts na naglipana sa nasabing mga tourist destinations.

Kaugnay nito, sinabi ni Cuñado na nag-isyu na sila ng “notices of violation” sa 37 hotels at resorts sa Mactan at 300 hotels at resorts sa Panglao.

TAGS: bhol, cebu, coliform, DENR, emb, fcal, Panglao, bhol, cebu, coliform, DENR, emb, fcal, Panglao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.