Duterte dadalo sa pagbubukas ng 2018 Palarong Pambansa sa Vigan City

By Den Macaranas April 14, 2018 - 09:17 AM

Inquirer file photo

Tuloy ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremony ng 2018 Palarong Pambansa na gaganapin sa Ilocos Sur.

Sinabi ni Ilocos Sur Gov. Ryan Singson na nakahanda na ang lahat para sa gaganaping palaro na dadaluhan rin nina Sen. Manny Pacquiao, bowling superstar Paeng Nepomuceno at Games and Amusement Board Chairman Eric Buhain.

Nasa Vigan City na rin ang mga opisyal ng Department of Education sa pangunguna ni Sec. Leonor Briones para sa paghahanda sa opening ceremony na gaganpin bukas.

Sa kanyang panig, tiniyak naman ni Singson ang seguridad ng mga batang manlalaro at iba pang delegado sa nasabing taunang sporting events.

Sinabi rin ni Singson na magiging maingat rin sila sa pagsisilbi ng mga pagkain sa mga delegado para maiwasan ang mga kaso ng food poisoning na naitala sa mga nakalipas na panahon.

TAGS: 2018 palarong pambansa, deped, duterte, Ilocos Sur, singson, 2018 palarong pambansa, deped, duterte, Ilocos Sur, singson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.