LPA sa labas ng PAR, namataan ng PAGASA

By Rhommel Balasbas April 14, 2018 - 06:17 AM

Isang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa pinakahuling pagtaya ng weather bureau, namataan ang LPA sa layong 2,325 kilometers sa Silangan ng Southern Mindanao.

Wala pa naman itong direktang epekto sa bansa at hindi pa inaasahang magiging bagyo at papasok sa Pilipinas sa sa susunod na 48 oras.

Samantala, patuloy na nakakaapekto ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa at inaasahang magbibigay ng maalinsangang panahon.

Inaasahang aabot sa 35 degrees Celsius ang antas ng panahon sa Metro Manila habang 38 degrees Celsius naman sa Tuguegarao City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.