Gilas cadets, puspusan na ang ensayo sa Asiad games

By Mark Gene Makalalad April 14, 2018 - 06:12 AM

Puspusan na ang ensayo ng Gilas cadets na ipapapadala ng Pilipinas para sa lumaban sa Asiad Games sa Indonesia.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, bagaman may pangangailangan na magkaroon ng break ang liga ay hindi nila ito magagawa dahil na-stretched na ang calendar games ng season na ito para sa Asiad games.

Dahil dito, tuloy-tuloy lang ang magiging schedule ng mga laro sa PBA sa kasagsagan ng international competition.

Sa bahagi naman ng Samahan ng Basketball ng Pilipinas, kanilang sinabi na patuloy ang kanilang pakikipag usap sa mga manlalaro ng Gilas na kanilang ipapadala.

Nagsimula na rin daw ang kanilang ensayo sa ilalim ni Coach Jong Uichico at Josh Reyes.

Nasa 23 mga manlalaro ang inaasahang bubuo sa Gilas Cadets.

Ang Asiad games ay gaganapin sa Jakarta at Palembang sa August 18 hanggang September 2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.