Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, inutusan ng Palasyo ang PDEA, bilang pangunahing ahensya sa
war on drugs, na panatiliin ang #RealNumbersPH, ang information campaign ng gobyerno na naglalaman ng lahat ng statistics sa droga.
Sinabi ni Bulalacao na ito ay para maiwasan ang pagkalito sa bagong datos dahil maraming ahensya, kabilang ang PNP, Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI), ang naglalabas ng kani-kanilang statistics sa anti-drug operations.
Mula ng ibalik ang Oplan Tokhang noong Enero, kada linggo ay nagpapadala ang PNP Directorate for Operations ng updates kaugnay ng war on drugs.
Kabilang dito ang bilang ng Tokhang operations at mga sumukong drug personalities; bilang ng anti-illegal drug operations at drug suspects na napatay at naaresto; at ang bilang ng mga indibidwal na kasama sa drug watchlist.
Hakbang ito ng PNP matapos ibasura ng Korte Suprema ang apela ng Solicitor General na huwag magsumite ang pulisya ng record ng mga napatay sa implementasyon ng Tokhang mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2017.