NAIA, hanggang 10 taon na lang kung hindi masosolusyonan ang siksikan
Nasa sampung taon na lang umano ang itatagal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung hindi masosolusyunan ang congestion o siksikan ng mga pasahero.
Sa 3rd leg ng Philippine Economic Briefing sa Cark Freeport Zaone, sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na hindi panghabambuhay at nasa isang dekada na lang ang pwedeng itagal ng operasyon ng paliparan.
Para maibsan ang siksikan ng mga pasahero, isinulong ng Department of Transportation (DOTr) ang rationalization ng apat na terminal ng NAIAo paglilipat ng mga biyahe.
Ayon kay Tugade, pag-aaralan ng ahensya ang mga suhestyon para sa take over ng maintenance at operasyon ng NAIA.
Dagdag ng kalihim, mayroon ibang airports na pwedeng tingnan na pwedeng paglipatan ng mga biyahe imbes na magsiksikan sa NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.