Pinayuhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer in Charge Eduardo Año ang mga may planong kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 14 na sangkot sa iligal na droga na huwag ng maghain ng Certificate of Candidacy (COC).
Sa isang pahayag ay sinabi ni Año na para sa kapakanan ng bansa, hindi dapat ikunsidera ng mga kakadindato na mag-file ng COC para sa anumang posisyon sa nasabing halalan.
Ayon kay Año, hindi dapat gamitin ang public office para pagtakpan ang pagkadawit sa kalakalan ng droga.
Sa ilalim anya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang termino sa DILG ay hindi papayagan ni Año na magamit ang pondo ng bayan sa droga.
Iginiit ng opisyal na mahalagang maghalal ng opisyal ng barangay na walang koneksyon sa droga dahil sila ang mangunguna sa Anti-Drug Abuse Council sa kanilang nasasakupan.
Ang paghahain ng Certificate of Candidacy ay simula sa Sabado April 14 hanggang April 20.