Ekonomiya ng Pilipinas, lalago ng 7-8% simula 2018
Inaasahan ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagitan ng 7% at 8% simula ngayong taong 2018.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang pagtataya ay lampas sa average na domestic product growth na 6.8% sa susunod na dalawang taon ng administrasyong Duterte
“The succeeding years, starting this year, we aim to raise this economic growth performance to between 7 to 8 percent … this is Goldilocks period of the Philippine economy,” pahayag ni Pernia.
Ang tinatawag na Goldilocks Economy ay ang ekonomiya na nag-ooperate sa opital state sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at pagkakaroon ng economic stability.
Paliwanag ng NEDA Chief, pwedeng mapanatili ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng tax reforms, pagpapabuti ng pagnenegosyo, pagtanggal sa red tape o katiwalian at pag-alis sa pagbabawal ng foreign investment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.