Ito ay dahil sa pagsisimula ng implementasyon ng gun ban dahil sa nalalapit na baranggay at Sangguniang Kabataan Election sa May 14.
Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, Spokesperson ng PNP, ang maaring magdala lamang ng baril ay ang mga nakaunipormeng Pulis, Sundalo at iba pang mga Law Enforcement Agencies.
Samantala, maliban sa PTCFOR, suspendido rin ang issuance ng permit to transport at explosive ordinance alinsunod sa resolution ng Commission on Elections.
Dagdag pa ng opisyal, plantasado na ang kanilang ipapatupad na seguridad sa halalan.
Kaugnay nito, ay mas magiging mahigpit din sila sa pagpapatupad ng Oplan Bakal at Oplan Sita ng PNP.