PTCFOR suspendido na mula ngayong araw

By Mark Gene Makalalad April 14, 2018 - 02:40 AM

Suspendido na mula ngayong araw ang PTCFOR o Permit to Carry Firearms Outside Residence ng lahat ng mga gun owners sa bansa.

Ito ay dahil sa pagsisimula ng implementasyon ng gun ban dahil sa nalalapit na baranggay at Sangguniang Kabataan Election sa May 14.

Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, Spokesperson ng PNP, ang maaring magdala lamang ng baril ay ang mga nakaunipormeng Pulis, Sundalo at iba pang mga Law Enforcement Agencies.

Samantala, maliban sa PTCFOR, suspendido rin ang issuance ng permit to transport at explosive ordinance alinsunod sa resolution ng Commission on Elections.

Dagdag pa ng opisyal, plantasado na ang kanilang ipapatupad na seguridad sa halalan.

Kaugnay nito, ay mas magiging mahigpit din sila sa pagpapatupad ng Oplan Bakal at Oplan Sita ng PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.