Appointment paper ni Albayalde bilang PNP chief nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Inilabas ng Malakanyang ang appointment paper ni Albayalde na may lagda ng pangulo ngayong araw ng Biyernes, Apr. 13.

Papalitan ni Albayalde si PNP Chief Ronald Dela Rosa na noong Enero pa sumapit sa kaniyang retirement age.

Hanggang ngayong buwan na lamang ang extension ni Dela Rosa sa pwesto.

Una dito, inanunsyo ni Duterte noong nakaraang linggo na si Albayalde ang napili niyang ipalit kay Dela Rosa.

Si Dela Rosa naman ay sinabi na noon ni Duterte na itatalaga niya para pamunuan ang Bureau of Corrections.

Read more...