LOOK: Grupo ng mga kabataan nagsagawa ng Black Friday protest sa UP

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 06:59 PM

Inquirer.net Photo | Noy Morcoso

Nagsagawa ng Black Friday protest ang mga estudyante at militanteng grupo sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City.

Aabot sa 400 mga mag-aaral ang nagtipun-tipon sa Palma Hall sa UP Diliman at nagsagawa ng noise barrage bago nagmartsa sa mga kalsada sa unibersidad.

Bitbit ng mga estudyante ang mga tarpaulin at placard na nananawagan na wakasan na ang martial law sa Mindanao.

Hiniling din nilang huwag ituloy ang pagsusulong Charter Change sa Kamara.

Noong mga nakalipas na Biyernes ay naglunsad na rin ng kahalintulad na protesta ang mga mag-aaral.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: black friday protest, Radyo Inquirer, UP diliman, black friday protest, Radyo Inquirer, UP diliman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.