Sa abiso ng MMDA, makapagdudulot ng masikip na daloy ng traffic ang gagawing dry run na mag-uumpisa alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.
Wala namang kalsada na isasara sa kasagsagan ng dry run.
Ang nasabing meeting ay gaganapin sa ADB headquarters sa Mandaluyong City mula May 3 hanggang 6, 2018.
Darating sa bansa ang mga delegado mula sa member-economies ng ADB para dumalo.
Sa abiso ng MMDA, maaapektuhan ng dry run ang sumusunod na lugar:
- Mula ADB Headquarters hanggang Edsa Shangri-La via Bank Drive (8:30 a.m.)
- Affected routes: Bank Drive hanggang Saint Francis Street
- Mula Edsa Shangri-La hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (9:15 a.m.)
- Affected routes: EDSA Shangri-La to St. Francis Street, Shaw Boulevard, EDSA, South Luzon Expressway, Skyway, portion of NAIA Expressway, Imelda Avenue
- Mula Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 hangang Joy-Nostalg Hotel (10:30 a.m.)
- Affected routes: Imelda Avenue hanggang NAIA Road, NAIA Expressway, Skyway, SLEX, EDSA, Guadix, ABD Avenue
- Entrance patungong ADB Main Driveway (11:30 a.m.)
- Affected routes: Guadix Drive, mula EDSA hanggang ADB Drive
Maari ding makaranas ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa mga sumusunod na lugar sa kasagsagan ng dry-run:
- Magallanes Interchange
- Ayala Underpass (Northbound and Southbound)
- Guadalupe MRT Northbound
- Shaw Blvd corner EDSA
- Shaw Blvd Service Road Northbound
- Shaw Underpass (Northbound and Southbound)
- Guadix Drive
- ADB Avenue ADB HQ
- Bank Drive corner Julia Vargas
- St Francis corner Julia Vargas