P100,000 na halaga ng shabu nasabat sa Parañaque

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 06:08 PM

Inquirer Photo

Arestado ang isang 31 anyos na lalaki matapos masabat sa kaniya ang mahigit P100,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation in Parañaque.

Nadakip si Aiman Baraguir makaraang bentahan nito ng isang sachet ng shabu ang isang ahente ng Parañaque police Station Drug Enforcement Team (SDET) na nagpanggap na buyer sa Barangay San Antonio.

Inaresto din si Johaima Ali, 35 anyos matapos mahuli na bumibili ng shabu kay Baraguir.

Ayon kay Senior Insp. Anthony Alising, hepe ng Parañaque SDET, nasabat kay Baraguir ang 102 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Si Baraguir ang supplier ng ilegal ng droga sa Barangay San Antonio, BF Homes at San Dionisio.

Galing umano ang shabu na ibinebenta ng suspek sa Barangay Maharlika Village sa Taguig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust operation, paranaque city, Radyo Inquirer, Station Drug Enforcement Team, buy bust operation, paranaque city, Radyo Inquirer, Station Drug Enforcement Team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.