Naitatalang heat index sa ilang bahagi ng bansa umabot sa 41 degrees Celsius ayon sa PAGASA
Matinding init na ang nararanasan sa bansa, katunayan ayon sa Pagasa, ang head index o “init factor” sa ilang lugar sa Pilipinas ay pumapalo na sa 41° Celsius na maituturing na “dangerous” level.
Ang “heat index” ay ang temperatura na nararamdaman ng katawan ng tao na mas mataas kumpara sa temperaturang naitatala ng Pagasa.
Sa datos mula sa Pagasa, alas 2:00 ng hapon ng Biyernes, April 13, labing isang lugar sa bansa ang nakapagtal ng 41 degrees Celsius na heat index.
Sa Dagupan City, Pangasinan naitala ang 45.2 degrees Celsius na heat index habang ang air temperature ay naitala sa mainit na 34.9 degrees Celsius.
Ayon sa Pagasa, ang heat index na papatak sa pagitan ng 41 hanggang 54 degrees Celsius ay maituturing nang “dangerous,”.
Kinakailangang mag-ingat ang publiko sa heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Kung ang heat index naman ay papalo sa 54 degrees Celsius ay maituturing na itong “extremely dangerous”.
Ang iba pang mga lugar na nakapagtala ng mataas na heat index ay ang Ambulong, Batangas; Cabanatuan, Nueva Ecija; Casiguran, Aurora; Subic Bay, Olongapo; Cuyo, Palawan; Dauis, Bohol; San Jose, Occidental Mindoro,; Sangley Point, Cavite; Tuguegarao city, Cagayan; at Zamboanga City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.