PNP tututukan ang 78 private armed groups na maaring manggulo ngayong eleksyon

Inquirer File Photo

Nasa 78 aktibong mga private armed groups na maaring maghasik ng kaguluhan ngayong eleksyon ang binanbantayan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. John Bulalacao, partikular na nakasentro ang kanilang pwersa sa Autonimous Region of Muslim Mindanao (ARMM) dahil dito ang may pinakamaraming private armed groups na aabot sa 72.

Bukod sa ARMM, nabatid din ng PNP na mayroong isang PAG sa Region 1, isa sa Region 3, isa sa Region 4-A, dalawa sa Region 5 at isa sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, sinabi rin ni Bulalacao na babantayan ng kanilang hanay ang aktibidad ng New People´s Army dahil nasa mahigit na dalawang libong barangay din ang nananatiling maaring pinagkikilusan ng din ng komunistang grupo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...