32 US embassy workers sa Cambodia sinibak dahil sa pagpapakalat ng pornographic material

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 05:19 PM

Sinibak sa pwesto ang 32 tauhan ng embahada ng Estados Unidos sa Cambodia matapos mahuling nagpapakalat ng pornographic material sa isang chat group.

Sa ulat ng Reuters, kabilang sa mga ibinahagi nila ay pornographic videos at mga larawan kung saan makikita ang mga edad 18 pababa.

Misis ng isa sa mga embassy workers ang nakadiskubre ng ilang larawan sa Facebook Messenger chat group kaya nagsumbong ito sa mga opisyal ng embahada.

Pinaimbestigahan naman ng embahada sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ang insidente.

Dahil sa nasabing insidente, kinumpiska ang identification cards at cellphones ng mga manggagawa.

Ang 32 embassy workers ay kinabibilangan ng mga Cambodians at Cambodian-Americans.

Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang gwardya habang ang iba ay clerical staff.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cambodia, Embassy staff, US Embassy, Cambodia, Embassy staff, US Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.