31 Pinoy na naharap sa iba’t-ibang kaso sa Indonesia, papauwi na ng bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 04:48 PM

DFA Photo

Pauwi na ang bansa ang 31 Pinoy na pawang naaresto at nakulong sa Indonesia dahil sa iba’t ibang kaso na kinasangkutan.

Ang mga Pinoy ay sakay ng Philippine Navy Ship na BRP Davao Del Sur at umalis ng Indonesian Navy wharf sa Bitung alas 8:00 ng umaga ng Biyernes, April 13 at nakatakda silang dumating sa Sasa Port sa Davao City sa April 21.

Isinagawa ang repatriation sa mga Pinoy sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa Ministry of Law and Human Rights sa North Sulawesi, at Immigration Offices sa Bitung, Tarakan, Balikpapan, at Manado kung saan nadakip ang mga nagkasalang Pinoy.

Walo sa mga pauwing Pinoy ay pawang boat captains na naaresto dahil sa ilegal na pangingisda at nakapanilbihan na ng sentensya, habang ang iba ay ilegal na namamalagi sa Indonesia.

Pinangunahan ng Philippine Consulate Office sa Manado, Indonesia ang repatriation sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines – Naval Fleet Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Filipinos from Indonesia, illegal immigrants, Overstaying, Radyo Inquirer, repatriation, Filipinos from Indonesia, illegal immigrants, Overstaying, Radyo Inquirer, repatriation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.