Dahil sa pagbiyahe ng sigarilyong may pekeng tax stamps, cosmetic company kinasuhan sa DOJ

Sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang isang kumpanya ng make-up makaraang mahuli ang isang sasakyan nito na nagbibiyahe ng mga misdeclared na sigarilyo na mayroong pekeng tax stamps.

Isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang reklamo laban sa Merrysun Corporation na naka-base sa Bindondo matapos matuklasan ang 30,000 na cigarette packs na may pekeng tax stams sa loob ng sasakyan ng kumpanya.

Nabatid na aksidente lamang ang pagkakatuklas sa mga kotnrabando, makaraang ang sasakyan ng “Merrysun” ay mahuli dahil sa traffic violation at dinala ito sa police station.

Doon natuklasan ng mga pulis ang mga pekeng sigarilyo na nasa loob ng kahon ng gas stove.

Matapos isailalim sa imbentaryo, natuklasan na aabot sa 32,550 na pakete ng sigarilyo ang nasa loob ng sasakyan at kung susumahin ang tax liability para sa nasabing mga produkto, aabot ito sa mahigit P15.8 million.

Kasong paglabag sa Tax Code ang isnampa sa mga opisyal ng Merrysun na sina Jasmine Tan at Arlene Yu Benitez, at stockholders na sina Sam Ramos Villa, Binbin Chen, Jing Xuan Yu, at Sharly Cai Tan.

Nasangkot din sa kasi ang isang Shanshan Xu dahil sa kaniya nakapangalan ang sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...