IT company kinasuhan dahil sa hindi pagbabayad ng P200M na buwis

By Rohanisa Abbas April 13, 2018 - 02:59 PM

Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang isang information technology (IT) solutions firm na hindi nagbayad ng buwis na aabot sa P200 milyon noong 2010.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 255 kaugnay ng Sections 253 (d) at 256 ng Tax Code ang Mannasoft Technology Corporation at pangulo nito na si Hans Dee, treasurer Rosalinda Dee at assistant vice president for finance Alma Fernandez.

Ayon sa BIR, aabot sa P199.59 milyon ang hindi binayarang buwis ng Mannasoft, kabilang ang increments noong 2010.

Ayon sa IT solutions firm, ang Mannasoft ay isang “award-winning global developer” at provider ng IT solutions.

Ilan sa expertise ng kompanya ang software development, at mobile application.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Internal Revenue, IT, Bureau of Internal Revenue, IT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.