Dating Sulu Gov. Tan, hinatulang guilty sa hindi paghahain ng SALN, pinagmulta ng P25,000
Hinatulan ng Sandiganbayan si dating Sulu governor Abdusakur Tan matapos amining bigo siyang makapaghain ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) mula 2007 hanggang 2011.
Si Tan ay naghain ng guilty plea sa isinagawang arraignment sa kaniya ng Sandiganbayan Sixth Division sa limang bilang ng kasong paglabag sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Inatasan ng Sandiganbayan si Tan na magbayad ng pay P25,000 bilang parusa sa kaniya.
Ang anak ni Tan na si Maimbung, Sulu Mayor Samier Tan ay nahaharap din sa parehong kaso dahil sa hindi paghahain ng SALN sa taong 2010 at 2011.
Nakatakda pa lamang ang arraignment sa nakababatang Tan sa May 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.