P900M Bitcoin scam, gustong paimbestigahan sa Senado

By Rohanisa Abbas April 13, 2018 - 02:27 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Paiimbestigahan ni Senador Sonny Angara sa Senado ang umano’y P900 milyon Bitcoin investment scam.

Sinabi ni Angara na nais niyang matukoy kung gaano kalawak ang umano’y scam, at kung kinakailangan pa ng pangil ng batas para matigil ito.

Noong nakalipas na linggo, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-asawang Arnel at Leonady Ordonio na may-ari ng kompanyang NewG.

Ayon kay Chief Supt. Roel Obusan, pinuno ng CIDG, pinag-iinvest nila ang tao sa Bitcoin kasabay ng pangakong 30% interes sa loob ng 16 araw.

Ani Obusan, babayaran muna ng mga suspek ang interes sa una hanggang sa hindi na nila kakausapin ang mga kliyente.

Ayon sa opisyal, isa itong classic case ng estafa at pyramiding.

Samantala, batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank, lumabas na walang stratehiya ang bansa pagdating sa financial education.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bitcoin scam, Radyo Inquirer, senate investigation, bitcoin scam, Radyo Inquirer, senate investigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.