Mangingisda arestado sa buy-bust sa CDO

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 02:12 PM

Arestado ang isang mangingisda sa ikinasang buy-bust operation sa kaniyang bahay sa Cagayan De Oro City.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng City Drug Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office sa Barangay Bayabas kung saan isang ahente ang nagpanggap at nagawang makabili ng isang pakete ng shabu sa 18-anyos na suspek.

Maliban sa P1,000 marked money, nakuha din mula sa suspek ang 4 na malalaking sachet ng shabu na tumitimbang ng 60 gramo at may street value na higit sa P300,000.

Ayon sa pulisya, dahil sa dahil illegal na droga na nakuha sa suspek ay ikinukunsidera na siyang high-value target.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust operation, Cagayan De Oro City, Radyo Inquirer, buy bust operation, Cagayan De Oro City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.