Japanese Destroyer Akizuki, dumaong na sa bansa

Nakalapag na sa bansa ang Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) vessel na JS Akizuki (DD-115).

Ito ay para sa kanilang tatlong araw na goodwill visit na tatagal hanggang Lunes April 16.

Si Captain Francis Alexander Jose ng Philippine Navy ang nanguna sa welcome ceremony at pagsalubong sa Japanese vessel na may lulan na 200 Japanese officers.

Kagaya ng mga nakalipas na goodwill visit, magsasagawa rin ng serye ng confidence building activities ang Japanese Navy sa kanilang mga counterpart sa bansa.

Bukod dito inaasahan din na sa pamamagitan nito ay mas mapapalakas at mapapaigting pa ang relasyon ng 2 bansa sa pagtataguyod ng kapayapaan sa rehiyon.

Ito na ang ikalawang pagbisita ng Japanese vessel sa bansa matapos ang pagdating ng JG Amagiri noong Pebrero nang taong kasalukuyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...